- Ang GSY ay hindi nangangailangan ng mga ritwal o mga kaugaliang ritwal pati na rin ng mga alay tulad ng niyog, insenso at bulaklak
- Ang seeker na nageehersisyo ng GSY kahit saan mang parte ng mundo ay maaaring makaranas ng malalim na pagninilay sa simpleng pagninilay sa larawan ni Guru Siyag.
- Hindi kinakailangang kilalanin sa personal si Guru Siyag. Malaya ang sinuman na gawin ang GSY.
- Ang pagsasagawa ng GSY sa pamamagitan ng audio o video CD, TV telecast o video clip sa email ay kasing epektibo ng harapang initiation.
- Kung ang seeker ay hindi kayang sambitin ang mantra ni Guru Siyag at magnilay, maaari itong gawin ng malapit na kamag-anak o kaibigan para sa kanya.
- Hindi nagsasagawa ng mga lektura at klase sa Yoga si Guru Siyag.
- Ang GSY ay libre.
- Hindi kailangan magparehistro sa GSY.
- Hindi tumatanggap at nanghihingi ng regalo si Guru Siyag kapalit ng paggamit ng GSY.
- Walang dietary prescriptions sa ilalim ng GSY.
- Malaya pa rin ang mga disipulo ni Guru Siyag na making sa ibang Guru matapos ang paggamit ng GSY.
- Hindi nagbibigay ng mga relihiyong aralin at payo si Guru Siyag. Tanging pilosopiya lamang ng GSY.
- Hindi nagbebenta o nagbibigay ng gamot o kahit anong uri ng produkto si Guru Siyag.
- Ang mga seekers na bahagi ng anumang lahi, relihiyon, sektor, nasyonalidad at kasarian ay maaaring sumali sa samahan ng GSY.
error: Content is protected !!