1. Ang GSY ay hindi nangangailangan ng mga ritwal o mga kaugaliang ritwal pati na rin ng mga alay tulad ng niyog, insenso at bulaklak
  2. Ang seeker na nageehersisyo ng GSY kahit saan mang parte ng mundo ay maaaring makaranas ng malalim na pagninilay sa simpleng pagninilay sa larawan ni Guru Siyag.
  3. Hindi kinakailangang kilalanin sa personal si Guru Siyag. Malaya ang sinuman na gawin ang GSY.
  4. Ang pagsasagawa ng GSY sa pamamagitan ng audio o video CD, TV telecast o video clip sa email ay kasing epektibo ng harapang initiation.
  5. Kung ang seeker ay hindi kayang sambitin ang mantra ni Guru Siyag at magnilay, maaari itong gawin ng malapit na kamag-anak o kaibigan para sa kanya.
  6. Hindi nagsasagawa ng mga lektura at klase sa Yoga si Guru Siyag.
  7. Ang GSY ay libre.
  8. Hindi kailangan magparehistro sa GSY.
  9. Hindi tumatanggap at nanghihingi ng regalo si Guru Siyag kapalit ng paggamit ng GSY.
  10. Walang dietary prescriptions sa ilalim ng GSY.
  11. Malaya pa rin ang mga disipulo ni Guru Siyag na making sa ibang Guru matapos ang paggamit ng GSY.
  12. Hindi nagbibigay ng mga relihiyong aralin at payo si Guru Siyag. Tanging pilosopiya lamang ng GSY.
  13. Hindi nagbebenta o nagbibigay ng gamot o kahit anong uri ng produkto si Guru Siyag.
  14. Ang mga seekers na bahagi ng anumang lahi, relihiyon, sektor, nasyonalidad at kasarian ay maaaring sumali sa samahan ng GSY.
error: Content is protected !!