Ang “chant” at pagninilay nilay ay nakakatulong para buhayin ang Kundalini. Ang Kundalini ay isang sagradong babaeng enerhiya na matatagpuan sa gawing ibaba ng spinal column ng ating katawan. Ang enerhiyang ito ay konektado sa anim pang enerhiya na tinatawag na chakras na matatagpuan din sa spinal column. Kapag nabuhay ng isang eksperto, tulad ni Guru Siyag, ang Kundalini sa pamamagitan ng pagbibigay ng Shaktipata (ang pagtitipon ng mga espiritwal na enerhiya) sa isang sagradong mantra, aakyat ito papunta sa anim na chakras. Kapag nangyari ito, maaabot ng iyong katawan ang tinatawag na Sahasrana (isang bahagi sa ating ulo kung saan nakalagak ang Diyos). Ang nabuhay na Kundalini ay lilinisin ang buong katawan ng sinumang gumagawa ng ehersisyo sa pamamagitan ng paguudyok ng mga ng mga “involuntary yogic” tulad ng asanan, krlyas, bandhs, mudras, pranayama at iba pa habang nagninilay. Ang sinumang nagsasagawa ng GSY ay hindi maaaring simulan o itigil ang mga involuntary movements na ito sa kanilang sariling diskresyon. Pinapalaya ng mga kriyas ang katawan mula sa pisikal at mental na pagkabagabag at pagkalulong hanggang sa maabot nito ang Moksha na magdadala dito sa direksyon papunta sa ispiritwal na pagbabago.