Ang GSY ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang “chant” o pag-uulit ng isang mantra o isang sagradong salita sa loob ng iyong isipan sa loob ng karampatang oras. Bagama’t inaasahang magiging matagal ang proseso ng agsasambit ng “chant”, inaasahang magiging madali ito kung paulit-ulit na ginagawa nang may sapat na halaga ng paniniwala at sinseridad. Sa iilang pagkakataon, ang iba ay nakakasanayan ito sa loob lamang ng isang linggo samantalang ang iba naman ay matapos pa ang ilang buwan. Maliban sa “chant”, ang sinumang gumagawa ng GSY— o ang tinatawag na “disciple”, ay kailangan ding sumailalim sa labing-limang minutong pagninilay-nilay nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.

error: Content is protected !!