Ang mga sakit na nararanasan ng mga tao ay igrinupo ng siyensya sa dalawang kategorya— ang pisikal at ang mental. Ang mga ito ay ginagamot ng mga panloob at panlabas na mga medisina o kaya hindi naman sa pamamagitan ng mga therapeutic na aplikasyon. Ang mga makalumang Indian sages ay nagsaliksik sa mga misteryo ng buhay sa pamamagitan ng pagninilay at natuklasang ang mga sakit ay hindi lamang sanhi ng mga dumi at mga bacteria kung hindi dahil rin sa mga ginawa ng isang indibidwal sa kanyang nakaraan na buhay. Bawat gawain, maganda man o masama, ay nagsasanhi ng isang siklo ng buhay at kamatayan at pagdurusa sa iba’t ibang karamdaman at ibang pagdurusang nararamdaman ng sangkatauhan sa kasalukuyan.
Ayon sa Yoga Sutra, klinasipika ng Indian sage na Patanjall ang mga karamdaman sa tatlong kategorya, pisikal (Adhidehik), mental (Adhibhaulik) at spiritwal (Adhidaivik). Ang spiritwal na karamdaman ay nangangailangan ng spiritwal na remedyo tulad ng regular a pagsasanay ng Yoga sa ilalim ng obserbasyon ng mga eksperto tulad ni Guru Siyag. Ang GSY ay makakatulong upang matanggal ang mga karma ng isang indibidwal mula sa mga nagawa nito mula sa nakaraan na buhay upang makaiwas sa mga karamdaman at upang mahanap ang kanyang tunay na halaga sa mundong ito o (atma sakshator).