- Umupo sa isang komportableng posisyon.
- Maaari kang umupo ng naka-indian sit sa sahig, humiga, umupo sa bangko o sofa para magnilay.
- Tingnan ang larawan ni Guru Siyag sa loob ng isa hanggang dalawang minuto hanggang tumatak sa isipan.
- Isara ang mata at tahimik na sambitin kay Guru Siyag ang “Tulungan mo ako magnilay sa loob ng labinlimang minuto”.
- Habang nakapikit, alalahanin ang larawan ni Guru Siyag sa iyong utak sa gawing gitnang bahagi ng iyong noo sa pagitan ng iyong kilay.
- Habang inaalala ang image, tahimik na ulit ulitin ang chant na ibingay ni Guru Siyag sa loob ng labinlimang minuto. (Tingnan ang “Paano makakakuha ng mantra”)
- Habang nagninilay, maaari kang makaranas ng mga imboluntaryong yogic movements at postures tulad ng pagtango, mabilis na galaw ng ulo mula kanan pakaliwa o kaliwa pakanan, pagliit at paglobo ng tiyan, pagpalakpak, pag-iingay at pagtawa. Huwag magalala dahil ang mga ito ay sanhi ng sagradong lakas ng Kundalini, at ito ay ailangan para sa panloob na paglilinis para maghanda sa mga susunod pang proseso.
- Makakaranas ka rin ng panginginig, pagkakita ng mga nakakasilaw na ilaw at kulay o hindi naman kaya ay pagkakaroon ng pangitain ng mga nakaraang kaganapan at mga kaganapan sa kasalukuyan. Ang mga ito ay indikasyon nang iyong paglalayag patungo sa spiritwal na daan.
- Samantala, kung hindi nakararanas ng anumang nabanggit sa itaas, hindi ibig sabihin nito na hindi nagiging matagumpay ang proseso. Marahil at gising na ang sagradong lakas sa iyong katawan kaya hindi mon a kailangang maranasan ang mga ito.
- Iyong mapapansin na ang iyong paginilay ay matatapos sa eksaktong oras na iyong itinakda.
error: Content is protected !!