Ang bawat tao ay may tatlong pangloob na pakiramdam: Sattavic (puro at magaan), Rajastic (passionate), at Tomasic (hindi kaaya-aya at negatibo). Ang mga pakiramdam na ito ay tumutukoy sa pangkalahatang disposisyon ng isang tao kung paano niya tingnan ang buhay at paano rin niya pinagiisipan ang kanyang mga ginagawa. Kasama rito ang pagpili ng kanyang kinakain. Ang regular na pagsasagawa ng GSY ay maaaring magsanhi ng pangingibabaw ng Sattavic kaysa sa Rajastic at Tomasic na pakiramdam. Ito ay maaaring magdala ng pagbabago sa mga katangian sa nasabing dalawang masamang katangian ng panloob na pakiramdam. Ang pangingibabaw ng Sottvic na katangian ay magdadala ng positibo at matalinong mga aksyon. Kasama rito ang pagiisip at pagdedesisyon sa mga uri ng pagkain na kanyang kakainin. Ang pangkalahatang resulta ng mga pagbabagong ito ay makikita sa pagbabago ng mga masama na nakakasira sa pisikal at mental na kondisyon ng isang tao sa pamamagitan ng spiritwal na pagbabagong kusang dadalhin nito sa buong pagkatao. Ibig sabihin, pati ang mga kinahihiligang bisyo ng isang tao ay handa nitong iwaksi at iwasan dala ng mga aral na dala ng pagninilay nilay at regular na pagcha-chant ng mantra. Tulad nga ng sinabi ni Sawmi Vivekanand, “Hindi kailangan sukuan ang mga bagay. Ang mga bagay na mismo ang susuko sa iyo.”