- Ang GSY ay hango sa Ashtanga o walong sangay na pilosopiya ng Yoga na binuo ni Sage Patanjali sa Yoga Sutra. Ang GSY ay nagsasanhi ng mas madali at mabilis na pagiisip ng walong sangay nito.
- Matapos ang tuloy-tuloy na praktika nito, ang pagsasagawa ng mantra chanting ay magiging natural na lamang. Ang tawag sa pagkakasanay na ito ay Ajapa Japa kung saan mararamdaman na lamang ng nageehersisyo na isinasabuhay na niya ang mantra na ito kahit hindi na sadyain.
- Habang isinasagawa ang pagcha-chant ng mantra, binabago nito ang kanyang sarili sa isang sagradong tunog. Ang tawag rito ay Anhad Nada. Ito ay isang pisikal na tunog na nabubuo kapag ang isang bagay ay tumatama sa isa pang bagay.. Ang tuog na ito ay walang pisikal na pinagmula. Ito ay naririnig ng seeker sa loob ng kanyang tenga na nangangahulugang nakakamit na nito ang simula ng rurok ng spiritwal na pagbabago.
- Mula sa pagsasagawa ng GSY, ang gumagawa nito ay nakakakuha ng maraming uri ng sagradong lakas. Isa rito ang lakas na tinatawag na Pratibh Gyana o ang kaalaman. Kapag nakamit ang kaalaman na ito, ang sinumang nagsasagawa ng ehersisyo ay maaaring makakita at makarinig ng mga kaganapan sa hinaharap at mula na rin sa nakaraan.
- Habang nagninilay, ang mga seeker ay maaaring makaranas ng Kbhechn Mudro kung saan ito ang dila ay nahihila pabalik at tumatama sa itaas na bahagi ng bibig kung saan ito ay naglalaban ng Amrit, isang sagradong katas na siyang gagamot sa ating mga problema sa buhay.
- Ang pagsasagawa ng GSY ay nagdadala ng pagbabago sa Vrittis (mga panloob na dinadamdam) ng isang tao mula sa Tamasic (madilim, hindi kaaya-aya) papunta sa Rajasic (masigasig at masaya) at papunta ulit sa Sottavic (positibo, puro at maaliwalas). Ang isang transpormasyon sa Vrittis ay nangangahulugang ng isang pangkalahatang pagbabago sa personalidad ng isang nagsasagawa ng GSY.
- Maaaring makaranas ng Maksha o ang pagpapalaya sa sarili mula sa siklo ng buhay at kamatayan pati na rin ang sagradong pagbabago mula sa GSY.
error: Content is protected !!